I feel sick+the worst advice commonly given.
Monday, December 22, 2008Well actually, that's not a very appropriate title. Yun lang talaga ang pakiramdam ko. Argh. Massive headache plus cough and cold. Damn. My sight's all blurry.
Anyway, back to the title. What's the most common advice people give? Hmm. Nababasa ko 'to lalo na sa mga autograph books nung elemetary pa ko. Anu pa ba kung hindi ang walang kamatayang: BE YOURSELF.
Ha! Ha. Ha. Ha. I've read in an article sometime when I was still in high school that the worst advice anyone can give is exactly that, to be yourself. Hindi ko talaga maintindihan noon kung bakit nasabi ito ng writer. Magpakatotoo sa sarili? How can that be the worst advice?
Growing up (erm.. maturing I guess since I didn't "grow" up-hehe.), I realized slowly the reason why...still making theories but I think none fits well. I have ideas though.
Siguro kasi it's an incomplete advice. I mean how can you be yourself IF you don't know yourself? Commonly given when we're young, looking for our identities, searching for who we really are and all, how can we positively say that we know who we are 100%? Most especially in this very, very pretentious world where money is the center of everything.
At pano nga naman ba natin makikilala ang mga sarili natin? It's a process I guess, to know what we like, dislike, want, desire and need. I bet as we grow old we still discover things about ourselves. Somethings about us change but some remains the same. At kung bata ka naman, susunod ka lang sa gusto ng mga kaibigan mo.
Sa edad na 20, masasabi ko na nga bang kilala ko na talaga ang sarili ko? Hindi rin. Pabag-bago pa rin ang isip ko sa maraming bagay. Pero meron din akong ugaling hindi nagbabago. Gaya ng mga prinsipyo at paniniwala ko sa buhay. Ito ang mga bagay na hindi ko tatanggalin at ipagpapalit. Ito kumbaga ang "foundation" ng aking pagkatao at kung paano ako humarap sa mga problema at makitungo sa iba.
Minsan, nawawala din ako sa sarili ko. Tipong hindi ko na ata matandaan kung sino ako. Sa mga pagkakataong ito anu ang ginagawa ko? Simple. Anong ginagawa ng mga KAIBIGAN? May mga tao lang talagang minsan, mas kilala ka pa kesa sa sarili mo at sila ang dapat mong hanapin kapag pakiramdam mo nakakalimutan o nakalimutan mo na kung sino ka. At mabuti rin, may mga tao akong mapapagkatiwalaan sa mga ganitong pagkakataon. May taga-tago sa'kin pag kailangan kong magpahinga o mag-tago sa magulong mundo.
Dahil may taga-tago ako at alam ko ang pakiramdam ng gustong "mag-tago", ginagawa ko din ang makakaya ko para maging mabuting taga-tago ng mga kaibigan ko. Hindi ko lang sila kasama sa saya. Mas gusto kong ako ang unang tinatawagan nila pag may problema o pag taguan na. At sana, nagagawa ko ang part ko gaya ng ginagawa nila para sa buhay ko.
Sana. Sana nga.=)
0 comments