GAHASA

Wednesday, September 24, 2008

Gahasa
ni Ruth Elynia Mabanglo


Ginahasa ako ng mga salita,
Paulit-ulit,
Paulit-ulit,
Hanggang magutay ang diwa.
Buntis ang alaala
Sa mga alimura,
Pasa-pasa ang puso't
Lama'y salanta.

Ginahasa ako ng mga akala,
Paulit-ulit,
Paulit-ulit,
Hanggang pagkatao'y mapariwara.
Pumintog sa puson
Ang haplit ng tinig,
Bitak-bitak ang bungo
Sa madlang hagupit.

Ginahasa ako ng pasya,
Minsan lang,
Minsan lang,
At nagiba ang pag-asa.

I want to share this poem with you guys. I have read it in a book called "Sarilaysay". It's a book about the life of Filipina writers, how they began, their early struggles and everything. It caught my eyes because of course of it's title. You may have it mistaken that the writer was actually raped, but no.
You see, Ms. Mabanglo calls the inspiration to write as a force. As she says,
"Sa palagay ko, lumilikha ang lahat ng manunulat dahil may kung anong pwersang kailangan niyang pagbigyan.Kung hindi pag-uukulan ng panahon at pagkakataon ang pwersang ito, ikaw ang mawawasak."
I agree. Para sakin, mas tamang tawagin itong "pwersa" at hindi inspirasyon. Tama rin siya na kailangan mo itong pag-ukulan ng panahon. Naisantinig niya ang mga nangyayari sa'kin. Mga bulong. Paulit-ulit mong iisipin ang mga salita hanggang sa para ka nang mabaliw. Hindi ako propesyonal. Pero alam kong kailangang lumabas mula sa isip ko ang mga salitang ito dahil hindi sila umaalis. Para silang mga halimaw na nangangain ng tao. Tama siya, may mga pagkakataon na ang pwersa ay nakasisira kung kaya kailangan mo itong pagbigyan. Nakakainggit ang galing niya sa salita. Sa tula. Dito kasi ako mahina kahit nung high school. Sa tula. Si kambal lang ang magaling diyan. I'm not that gifted with the magic to bring the right words together. Sorry for me. hehe.

You Might Also Like

1 comments

  1. I've also read the book and I am planning to write a blog about it.

    ReplyDelete