Blame it on Murphy.
Tuesday, October 12, 2010
May isang insight ang kapatid ko tungkol sa pag-angkas sa bike. Isang kaisipang nagpapatunay na hindi talaga ko kasing lalim niya. Syempre, pagbabike ba naman, maiisipan mo pa ng ganon. (Ayan na naman, ang haba na naman ng intro ko—pasensya.Ü)
Sabi niya ang pag-angkas daw sa bike ay parang relasyon mo sa buhay. Kailangan mong magtiwala sa aangkasan mo na kaya niyang bumalanse at magtiwala at hindi ka ihuhulog kahit gano ka pa kabigat, kahit gaano man “kayo” kabigat. Tiwala. Napag-isip niya ko. Is that my problem? Trust issues? Eh bakit kaya kong ikwento kahit sa bagong kakilala ang talambuhay ko---pero, sa huli, pakiramdam ko, hindi pa rin kami close? So there, I don’t know where I am with trust thing but I certainly am not big on relationships, may it be friendship or love. Just on family.
It was on college that I finally noticed that I’m not that much of a social animal, ergo, my circle of friends is not that big. Well, I blame it on my belief in the Murphy’s law. I believe in the positive---faith, hope, love, fairy tales, happy endings, the good in people, blah-blah. Oh yes I do. For other people at least. I believe “they” can have fairy tale happy endings and even write about it so “they” won’t stop believing. Well I believe in all things positive, except in love. Hindi ko alam kung kailang natapos ang tiwala ko tungkol sa lahat ng bagay na maganda tungkol dito. I am a skeptic. Lalo na’t may Murphy’s law. Sabi dito (kung sino man si Murphy, hindi ko alam.), if everything is going perfectly fine, something is always bound to get wrong. So it practically sums up the story of my life. One minute everything is okay, the next I’m running away before everything falls apart. For example, in love, I always wait for something to get wrong. The guy, the timing, the whatever.
Like how do I think the current one’s going to end up? This: We’ll have different priorities in the future and realize that and someday we will wake up no longer interested in each other. We will even get bored listening to each other’s stories because it bores the hell out of us and NOT caring or missing each other if we won’t see each other for more than a month. We will stop caring. And then we’ll decide it’s better to break up. I can be wrong, I can be right. But, when something is so right that’s when I get really scared because I feel something is going to be really, really wrong and it’s going to hit me hard right smack on my face before I even know its coming. The Murphy’s. It hasn’t stop me from trusting too much but from giving too much. I know it sounds bull**** but expecting the worst has protected me from getting hurt. The negativity has become my shield. Pero secret lang natin to ha, pero sa totoo lang… I have a good feeling about this-US. (Finger’s crossed. Isang malaki at mysterious na SMILE.)
But I don’t recommend this to everyone. Magiging bato ka. Magiging manhid ka. Hindi ka man maging basag sa kalungkutan, hindi mo rin mararanasan ang maging masayang-masaya. Kasi alam mong hindi tatagal. At least pag nauna ang lungkot, sa huli alam mong sasaya ka. Parang bad news muna, bago good news.
So don’t judge me if I say I imagine myself growing old alone and not getting married. I’d rather believe that than continue hoping to find the one but ending up knowing that he does not exist. Plus too many songs, books and people have told me that not everything lasts forever. So why bother? Sorry. I also don’t believe in enjoying it while its there. While. Its. There. Shit. If its not going to last, why bet on it? You might argue, sugal nga diba? Pero sa sugal dapat alam mo kung kelan ka titigil diba? Kundi mauubusan ka.
Naalala ko si Kambal, ang kaibigan kong sa maraming bagay sa buhay e kaparehas ko ng point of view. Nung high school thru college pag may mga kaibigan kaming may mga bagong bf/gf, sasabihin namin sa kanila: magbebreak din kayo. Haha! Basag trip lang. Nakakatawa. Pero alam ko, deep inside, nanghahamon lang talaga kami, na sana hindi sila katulad ng iba. Kaya naman nang magkabalikan kami, sabi ko kay Karla, ‘Kambal, hindi mo ata ako sinabihan ng magbebreak din kayo?’ Sabay ngiti. Nagulat na lumambot ang puso ko sa sagot niya: ‘Hindi na tayo mga high school, Kambal. Isa pa, isa kayo sa mga konting gusto kong tumagal.’ Sana nga.
Kaya kung maliit man ang bilog ko, konti man ang mga taong pinapasok ko sa loob ng mundo ko, sila naman yung mga taong sinugalan ko ng buong-buo at may tiwala akong hindi ako ipapatalo. Piling-pili lang sila kaya sigurado akong hindi lang sa hindi nila ako ilalaglag pero na ako din, na kaya ko ding ipanalo ang mga sinugal nila sakin. At isa pa, napatunayan nilang karapat-dapat silang bigyan ng panahon, pasensya, pagmamahal---puso.
Kung hindi ka man sigurado sa kaibigan o sa love life, me mga tao pa na ayaw mo mang iangkas, sa ayaw at sa gusto mo, parte sila ng buhay mo. Ang pamilya mo. Para sa’kin, sila ang pinakasolid na bahagi ng mundo ko. Ang core. Nabasa ko sa physics, nasa core ng mundo nagmumula ang gravity. Totoo. They keep me grounded. Kasi araw-araw siguro pinapaalala nila na hindi ako perpekto. Sometimes, actually MOST of the time, they bring out the worst in me, pero ganun talaga. Mas pinapatatag ka nila. Hindi nila kailangang ipangako ang habang buhay na pagmamahal dahil kusa na ‘yong dumadaloy mula sa kanila papunta sa’yo (kahit minsan hindi halata.) Sila ang mga taong hindi mo kailangang mag-alala kung matalo ka man sa sugal, dahil sa kanila, hindi mo talaga kailangang tumaya. Panalo ka. At habang buhay ka din nilang pagtatiyagaan, sa ayaw man nila o sa gusto. Hehe. Kaya sila talaga ang pinagkakatiwalaan kong hindi mawawala kahit kailan.
Kaya ikaw na nagbabasa, piliin mong mabuti ang iaangkas mo dahil mahaba pa ang biyahe. Pwede ka pang maligaw o dumaan sa mga malulubak na daan. Piliin mo yung masarap kausap--yung hindi ka mabobore sa biyahe, yung may matututunan ka, yung magaan kasama, sabi nga nila, yung hindi heavy, pare. Oo, kailangan mo ng magbabalik sa’yo sa reality minsan, ng konting negative ba. Pero iba yung konting criticism o realistic sa taong galit sa mundo. Mabigat. At higit sa lahat, piliin mo ang taong ma-flat man ang gulong mo, e kayang hawakan ang mga kamay mo at maglakad ng mahabang-mahaba at walang reklamo kasama mo.J
0 comments