Sa Pandacan Bus
Wednesday, September 24, 2008"Ay manong/hoy kuya, baka ho gusto niyong tumayo, kawawa naman si lola."
"Ale, pakiayos naman ho ang upo. Magkaron naman kayo ng pakiramdam. Pa'no kung ako ang nakabukaka at kayo ang masikipan?!! Hindi lang kayo ang nagbabayad dito!"
"Bawal ang manyak dito."
"Bata, tahan na. Nakakainit ka ng ulo eh."
"Aba, nakaupo ka na nga titingin ka pa ng masama. Naabala lang ang tulog mo ng mga taong nagkukumahog maayos lang ang balanse sa pagkakatayo dahil walang maupuan! Pasalamat ka na nga at nakaupo ka!" (sabay irap! hmpf!)
"Hoy, hindi bago ang sapatos ko, kalilinis lang niyan. Please lang 'wag mong binyagan."
"Pasalamat ka mabait ako kundi binungangaan na kita."
"Kuya, mura lang ang deodorant sa tindahan. Try mo, makakatulong sau. Madali lang gamitin, fresh ka pa the whole day."
Pandacan bus ang pinakamabilis na paraan pauwi sa inuuwian naming condo sa Pandacan (malamang). Sa tapat ng Caritas, Manila kami nakatira at ito ang babaan na sinasabi namin sa barker tuwing magbabayad ng pasahe (P8 sa senior at estudyante, P10 sa hindi). Sumasakay ako sa may SM Manila. O di kaya sa Quiapo mismo pag pauwi at gusto ko nakaupo talaga.
Kung hindi pa kayo nakakasakay, ilalarawan ko. Maliit lang ito sa karaniwan. Iba-ibang model din. May mga peak hours ng pagsakay kung saan swerte mo na kung makaupo ka o may maginoong lalake na mag-alok sa'yo ng upuan. Madalas me mag-alok sakin lalo na pag hindi ako haggard galing sa school at galaan. Kaya malaking factor na mag-ayos ayos ka naman ng mukha mo. Haha!=) Sa totoo lang, namimili talaga sila ng aalukin ng upuan paminsan-minsan.
Ang mga quoted statements sa taas, yan madalas ang mga bagay na nasa isip ko pagsakay ng minibus, lalo na pag maraming tao. Oo, totoo. Ang bitchy diba?!
Pero sa totoo lang, matututunan mo, marami talagang "b*t**" sa mundo. (And I don't mean slut.) Nakakainis isipin na maraming tao ang walang pakialam sa iba. Nakakasawa na ring umayos ng pag-upo dahil pag ikaw na ang uupo, e mas gugustuhin mo pang tumayo sa sobrang sikip dahil sa dami ng pasaway na akala mo may-ari ng bus. Grrr talaga ! Nakakainis ang mga selfish na tao.
Siguro nakakainis lang talaga maging mabait. (Mabait naman ako diba?-haha) Sana kaya ko gamitin ang 'killer eye', titigan sila hanggang malusaw. O kausapin sila, makiusap man lang na umayos sila ng upo. Pero kasi...kailangan pa ba yun??!! Hindi ba automatic yun na pag may sumakay aayos sila?
Hanggang dito na lang siguro ang mga reklamo ko. Haha. Balang araw, sasabog din siguro ako at matututo ng magsungit. Sana.
Kaya kayo, sana umayos kayo ng upo, magbigay sa nkatatanda at sobrang bata.
Dahil siguro naman, hindi niyo gagawin sa iba ang ayaw niyong mangyari sa inyo, diba?
0 comments