ART APP.=)
Friday, May 29, 2009Yikes! I haven't practiced my right for freedom of speech and self-expression for a few weeks now! Terrible! There's no excuse for this. (Okay. I'm overreacting. hehe.)
Updates? I'm about to start my new life and I'm super excited about it. I'll tell you more about it.. ermm.. when I'm ready. It's not something I'm comfortable talking about.
For now, let's talk about something else. I was looking at my new course curriculum and I found out I have Art Appreciation subject. Argh! I do appreciate Art but can we just leave it to that? ! But that's not what I want to talk about right now. Let me just insert a two-letter word in between. Yes. The Art of Appreciation.
Do we even know what its about and how important it is? People don't even know how to say thank you these days. Is it so hard to say we appreciate even the littlest things, the littlest goodness around us?
Sa mundo na kailangan ng sipag at tiyaga bilang puhunan minsan nakakalimutan na ng tao na may: a.) mga taong tumutulong upang makarating kung nasan sila b.) mga taong nananatili sa tabi nila sa kabila ng lahat at c.) mga pangyayaring hindi natin alam kung swerte lang bang talaga.
Ito ang gusto kong kalkalin dahil marami na yatang tao ang hindi marunong magpasalamat. Maaring dahil: a.) wala silang pakialam b.) hindi lang talaga nila napapansin dahil masyado silang focused sa sarili nilang mga problema o sa sarili nila-period. o/at c.) PRIDE.
Ayokong ipagmalaki ang pride ko. Oo, meron din ako non. Pero ayokong maging hadlang ito para hindi malaman ng mga taong mahalaga sa'kin na "naa-appreciate" ko ang presence nila sa buhay ko. (naks.)
- Naa-appreciate ko pag may mga gentleman na nagpapa-upo sa'kin sa bus. Pinapatunayan nilang hindi pa extinct ang concept ng chivalry sa mundo. Pero mas naappreciate ko ang mga nagbibigay para sa matatanda kesa sa mga dalaga. Ito ang tunay na test of being a gentleman dahil patunay ito na hindi sila nagpapa-pogi points lang.
- Naa-appreciate ko ang malakas na ulan pagkatapos ng mainit na panahon.
- Naa-appreciate ko ang mga drivers na hindi nagmamadali, at kahit gaano man ako ka-pasaway sa pagtawid, buong pasensya pa rin nilang pinaparaan ang makulit na pedestriang tulad ko.
- Naa-appreciate ko ang mga taong mas nakikinig kesa dumadaldal. Sila ang mga taong hindi self-centered. Sabi nga ni Father, lahat gustong magsalita ngunit wala namang gustong makinig. Tulad ko, marahil naniniwala rin sila sa kasabihang hindi hihinto ang mundo para sa isang tao.
- Naa-appreciate ko ang buwan at mga bituin lalo na pag nakikita ko sila dito sa Manila. Bihira lang yun dahil sa polusyon.
- Naa-appreciate ko ang efforts ng mga rallyista tuwing tinitingnan ko sila mula sa 5th floor na nagpapahinga sa Caritas Manila. Sila na mga walang sawang binibigyang boses ang daing ng karamihan ngunit walang lakas ng loob o panahon upang magsalita.
- Naa-appreciate ko ang mga institusyon o kung anu-ano pang samahan na walang sawang nagbibigay ng feeding programs sa mga mahihirap na tila wala ring sawa sa gutom. Oo naappreciate ko ang tiyaga at pasensya nila dahil malamang paulit-ulit ang mga mukhang pinapakain nila at dahil na rin nagagawa nila ang gusto kong gawin sana sa hinaharap. Ang makatulong sa iba.
- Naa-appreciate ko ang pagiging selfless ng mga doktor na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga mahihirap. Una, dahil mahal ang gastos sa pag-aaral ng medisina at pangalawa, nakikita ko sa kanila ang katuparan ng isang bagay na minsan kong pinangarap.
- Naa-appreciate ko ang pagluluto ng mama ko kahit pagod siya sa maghapong gawain sa bahay.
- Naa-appreciate ko ang saya sa boses ni papa sa tuwing makakausap ko siya sa telepono.
- Naaappreciate ko ang pangaasar ng mga kapatid ko dahil alam kong lambing lang nila yun. (cariño brutal!)
- Naa-appreciate ko ang paulit-ulit na pagkakataong binibigay nila sa'kin dahil patunay yun ng pagmamahal nila.
- Naa-appreciate ko ang mga taong nakikinig muna bago manghusga.
- Naa-appreciate ko ang pagiging personal cheering squad ng isang kaibigan dahil minsan nakakalimutan ko na kaya ko pala.
- Naa-appreciate ko ang mga ngiting patuloy na binibigay ng mga kaibigan.
- Naa-appreciate ko ang Diyos na walang sawang nakikinig at nagbabantay. At higit sa lahat,
- Naa-appreciate ko at talaga namang nakakataba ng puso ang mga taong marunong magpasalamat at mag-appreciate kahit gano kaliit na bagay.
Oo, totoo. Kahit wag mo nang isama ang mga nagawa o ginagawa nila para sa'tin, yun nalang presensya nila sa buhay natin, okay na. Let's not take these things/people for granted. It's never too late to say how thankful we are and how much we appreciate them.
Hindi pa huli ang lahat para amining hindi tayo superhero at nagkakamali rin tayo, na kailagan rin pala natin ng tulong paminsan-minsan. Gaya ng pangangailagan ng bato ni Darna, ng Robin ni Batman, ng true love's kiss ni Snow White o kahit ng Kryptonite ni Superman.
Dahil bago natin magawang maka-appreciate ng mga bagay, kailangan muna nating tanggapin ang mga kahinaan at katangahan natin. Dahil ayos lang. Nandiyan naman sina nanay at tatay para umintindi, mga kaibigan para magbigay ng lakas ng loob, si Bob Ong para batukan ka sa pamamagitan ng pagbabasa at kung swerte ka, isang special someone na magbibigay ng inspirasyon. Huwag lang nating kalimutang pasalamatan sila dahil don. Sa pasasalamat, ipinapaalala natin ang role nila sa buhay natin. Kung gaano sila kahalaga.=)
*Pahabol:
Speaking of Bob Ong. Sa wakas! May kopya na ko ng Kapitan Sino! Haha. Tagal kong hinintay.;p
Hindi pa huli ang lahat para amining hindi tayo superhero at nagkakamali rin tayo, na kailagan rin pala natin ng tulong paminsan-minsan. Gaya ng pangangailagan ng bato ni Darna, ng Robin ni Batman, ng true love's kiss ni Snow White o kahit ng Kryptonite ni Superman.
Dahil bago natin magawang maka-appreciate ng mga bagay, kailangan muna nating tanggapin ang mga kahinaan at katangahan natin. Dahil ayos lang. Nandiyan naman sina nanay at tatay para umintindi, mga kaibigan para magbigay ng lakas ng loob, si Bob Ong para batukan ka sa pamamagitan ng pagbabasa at kung swerte ka, isang special someone na magbibigay ng inspirasyon. Huwag lang nating kalimutang pasalamatan sila dahil don. Sa pasasalamat, ipinapaalala natin ang role nila sa buhay natin. Kung gaano sila kahalaga.=)
*Pahabol:
Speaking of Bob Ong. Sa wakas! May kopya na ko ng Kapitan Sino! Haha. Tagal kong hinintay.;p
0 comments