"Sino" daw?

Wednesday, June 10, 2009


First page-ngiti konti. Basa pa. Sige pa.

Iniisip ko na kung ano ba talaga ang hinahanap ko sa librong 'to. Nang bilhin ko ang Kapitan Sino ni Bob Ong, inaamin ko. Nag-alangan ako. Iniisip ko kung sulit ba talaga ang 175 pesos ko. Una pa lang kasi tumingin na ko ng mga book reviews tungkol sa latest release ni Tito Bob. (haha. I'm really used to calling him names as if we're close.) Dahil dito, hinanda ko na ang sarili ko sa isang matinding disappointment.

Last page-pahid ng luha. Tapos ngingiti. Isang malaking buntong hininga. "Ibang level na si Bob Ong." naisip ko. Mali ang review. Hindi boring ang libro. Hindi lang siguro nila makita ang gustong iparating ng libro. Maaring nakita nga nila, ayaw namang tanggapin. Mukhang kagaya ng kadalasang pagkakamali ng isang fan (base sa pagtanggap nila sa huling 3 libro ni B.O.) ikinulong nila ang paboritong maunulat sa isang istilo. Typical. Karamihan ng mambabasa gusto na ang storya, ang moral, parang hapunan na ihahain sa harap nila. Ayaw na nilang mag-analyze. Wala ng isip-isip pa. Tapusin ang dapat tapusin.

Ang tanging reklamo ko lang sa libro ay ang setting nito. 1980's mga pare! Sabi ni B.O. star-studded daw ang Kapitan Sino. Oo nga. Pero tanong pa din ako ng tanong sa mama ko kung sino si ganito, ano ang ganyan at kung guwapo ba talaga si Jograd dela Torre.

Sino nga ba si Kapitan SINO? Siya ang sundalong tinitiis mawalay sa pamilya para protektahan ang bayan, ang doktor na wala sa mamahaling ospital kundi nasa liblib na baryo kung saan ang maibibigay lamang na kabayaran ng mga tao ay mga sariwang prutas, gulay at manok. Maaring siya rin ang pulitikong pinipiling manatiling mahirap kesa tumanggap ng lagay. Pero hindi natin alam, siya rin pala ang metro aid na masipag na nagwawalis sa ilalim ng matinding sikat ng araw o ang pasaherong nababa sa tamang babaan (malamang hindi ako yun!) o kahit na ang batang nakapulot ng wallet at ibinabalik sa may-ari.

Maaring kilala mo sila, maaari ring hindi. Kadalasan hindi. Pero pwede ring syang siya, sila, ako at lalong pwedeng maging ikaw. Kailangan pa ba talaga natin ng Rogelio Manglicmot para ipaalala sa atin na lahat tayo pwedeng maging bayani?

Ito ang hamon ni Kapitan Sino sa bawat isa sa atin. Ang maging "Bayani ng sarili mong buhay". Magsimula tayo sa sarili nating mga kalat, at kung may lakas pa tayo, tumulong na rin tayo sa iba.

Pero sana naman, sana lang, balang araw, maging Kapitan Sino rin ako. Hindi lang ng mga mahal ko sa buhay kundi sa buhay ng mas marami pang tao.=))

You Might Also Like

0 comments