BUWAN
Sunday, October 12, 2008First offs, I want to thank those who comments. Really, from the bottom of my heart, thank you. Kahit hindi man dito, nagmemessage naman kayo kung mga mga "violent reactions". Hehe. Love you all. At higit sa lahat, salamat at nakikita ko kung sino ang mga tunay na nakakaintindi. Ang mga taong hindi sarado ang kaisipan, may respeto sa opinyon at mga taong harap-harapang magsalita. Malaking bagay para sa akin ang inyong mga opinyon at nirerespeto ko rin yun.=)
Anyway, nagulat ako at nakagawa ako ng...something? (Maybe a poem--erm, I'm not quite sure what it is)
Basta, nagawa ko to ng hindi namamalayan. Isang gabing sinusumpong na naman ako ng ano... Ano... Ewan. Haha!
Someone reminded me, na matagal ko nang hindi nasisilayan ang buwan. To look at the bright side of darkness. Please forgive me if it's a little amateurish and mushy. Ahaha. At papangunahan ko na kayo, hindi po ako broken hearted. I just tried to create this certain situation. Frankly, I've never been in this kind of situation before. =)
Binabantayan kita mula sa dilim ng gabi
Sapagkat takot ka sa kawalan.
Gabi-gabi tayo'y nagkikita,
Habang ang lahat ay nahihimlay.
Nakatitig ka sa akin at iyong isinasalaysay
mga pangarap at buhay.
Isang gabi ika'y nagtapat
paghanga mo sa aking kariktan.
Kahinaan ko nga ba'y minahal mo na?
Anu mang kasiyahan ng kahapon ay napalitan
ng lungkot kinabukasan.
Nang dumaan ka kasama ang tunay mo palang sinisinta.
Tumitig ka sa akin at sinabing, "Mahal ko siya."
Gusto kong lumuha ngunit di ko magawa.
Tila ako'y yari sa bato. Oo, ganun nga.
Ngunit ito'y akin ring tinanggap.
Patuloy pa rin ang ikot ng mundo.
Hinihintay na lamang ang pagsapit ng gabi
upang ika'y masilayan.
Dahil aking batid na damdamin ko'y walang kapalit.
Pagkat umiikot ang mundo at sumisikat ang araw.
At ako, ang BUWAN...
ay dagli namang naglalaho.
1 comments
very nice. :)
ReplyDelete