Types of Church-goers

Tuesday, October 14, 2008

Minsan kapag tinatanghali ako ng gising sa umaga ng Linggo at hindi ako nakakasabay sa pagsisimba (pero sobrang minsan lang yon dahil pinipilit ko talagang gumising kahit para akong galing sa lamayan sa antok.hehe.), nagsisimba ako mag-isa tuwing hapon. Nung nasa Cavite pa ako, ganito rin ang gawi ko. Cavite man o dito sa Maynila, may mga bagay na hindi nagbabago pagdating sa mga taong nagsisimba.

Sabi ng pinsan ko, "Ang mga taong nagsisimba ang pinaka-judgmental na tao." I agree. Minsan akala kasi nila porke nagsisimba, santo na sila at laging tama ang ginagawa nila and I'm a church-goer myself that's why I don't want to be biased. Ganun lang talaga ata ang tao. Laging may "say" sa iba.

Sabi sa Gospel at Homily nitong Linggo, may 3 uri ng mga Katoliko noon hanggang ngayon: ang mga umaattend sa selebrasyon na hindi tama ang kasuotan (mga napunta sa party na nakapambahay lang.) o ang mga taong nagsisimba na ika nga ni Father ay "physically present but mentally absent", mga taong hindi nagpupunta sa okasyon o ang mga hindi nagsisimba at ang mga taong nakiki-party na tama ang kasuotan o ang mga taong isinasapuso talaga ang pagsisimba.

Ngunit sa aking palagay, hindi lang mahahati sa tatlo ang mga taong nagsisimba, maari mo pa itong hatiin sa mas tiyak na pangkat. Tingnan mo pa! Hinati ko sila sa grupo ayon sa aking obserbasyon.

1. Bratz
Description: mga batang babae, karaniwang nasa highschool na ang pinunta lamang sa simbahan ay... (excuse me for the term) "boy-hunting". Nagsisimbang may hawak na suklay o karaniwang makikita na nagtetext. Maya-maya dadami na sila at magkukuwentuhan na lamang. Lagi silang lingon ng lingon at hindi nagcoconcentrate sa misa. Sa madaling salita, sila ang mga taong physically present at mentally absent.

2. Fans ni Father
Description: First cousin o maaring kapatid ng Bratz. Karaniwang high school din at nagpunta lamang sa simbahan para kumuha ng misalet (dahil nandun na ang kopya ng buong misa) at magpapirma sa pari bilang patunay na nagsimba sila (karaniwang requirement ito sa Christian Living) Pero sa kalagitnaan ng misa halatang preoccupied na sila (see Bratz).

3. Ang "Da Boys"
Description: male counterpart ng Bratz. Maaring naglalangis o matigas dahil sa sandamukal na hair gel ang buhok, pormang-porma at madalas ay nakapamulsa. Katabi sila ng Bratz at waring nahihiyang pabulong-bulong sa kanila (nakikipag chikahan) before, during and after the mass. Masaya na sila sa ganong life.

4. The Couples
Description: Ang mga mag-jowa na ang tingin sa simbahan ay "Lover's Lane". Paborito nilang part ng misa ang peace be with you at ama namin. Madidistract ang tao sa public display of affection nila. Akala siguro nila, pag nagsimba sila, hindi na sila maghihiwalay--ever!

5. Sleepers
Description: Madalas lilitaw sa homily. Hindi mo alam kung puyat o narcoleptic lang ba talaga. Sinisisi nilang madalas ang pari sa kaantukang dinaranas nila. (isa na dito si ma, haha! pero in fairness kahit sa loob ng sinehan nakakatulog siya. sa simbahan dahan-dahan ako sa pagkalabit sa kanya kasi high blood siya, baka atakihin sa puso. hehe. pero totoo.)

6. Bilmoko kids
Description: Mga batang nagte-take advantage sa pagsisimba. Minsan nagwawala sa simbahan at ang mga magulang bilang kapalit, binibigyan sila ng bribe na cotton candy, popcorn etc. (oha! sinehan!) Maaring mangyari ito bago, habang o pagkatapos magsimba. (Kabilang naman dito ang kapatid kong bunsong napabayaan sa kusina.)

7. Mga "Takda"
Description: Ang mga matatandang itinakda na ang kanilang buhay sa paglilingkod sa simbahan (na hindi kinakailangang maging celibate o hindi pag-aasawa gaya ng sa mga pari at madre). Nakaputi sila at nakabelo at ang mga lalake naman ay naka-polo barong karaniwan. Kababaihan ang kumukuha ng abono at mga lalake ang katulong sa pagsusubo ng ostiya.

8. Mga Tambay
Description: Mga taong pumapasok ng sandali sa simbahan o napadaan lang. Maaring nagsa-sight-seeing (mga baguhan na nakatok sa simbahan at nagwiwish) at mga nangangailangan ng mabilisang divine intervention (i.e. mga stuyanteng mag-eexam, mga naghahanap ng trabaho). Kahit sandali lang sila, (pwera sa mga nag-sight-seeing) sa tingin ko mula pa rin sa puso ang mga dasal nila. Imagine, maaring nag-novena na sila para makapasa o makahanap ng trabaho pero sumasaglit pa rin sila sa simbahan para humingi ng patnubay. (oo, inaamin kong minsan kasama ako sa kategoryang to. hehe. At oo, madalian man ang dasal, sinisigurado kong mula ito sa puso.)

9. Nobenista
Description: Kahit sinong makukulit na nagnonovena habang nagmimisa. Minsan naisermon na sa isang homily na hindi ka dapat nagnonovena habang nagmimisa dahil ang misa ay "party" ng Diyos para sa ating lahat. (at oo, aminado ako, sa Baclaran ganito din ako minsan pag gabi na ako dumadating.)

10. True Blooded
Description: Hindi na kailangan ng physical description. Maaring bata, matanda, maputi, maitim etc. Malalaman mo naman agad kung totoo sa puso nila ang ginagawa nila at kung alam nila ang ipinunta nila sa simbahan. Clue: Nakapikit sila madalas magdasal, minsan umiiyak pa.






Maaring sabihin niyong hindi rin ako nakikinig dahil tinitingnan ko sila. Hindi naman. Kapansin-pansin o nagpapapansin lang talaga ang ilan sa kanila. Hindi din naman ako perpekto. Gasgas na pero wala talagang ganon. I''m o goody-two-shoes; nakakasakit din ako ng iba. Pero sinusubukan ko naman ng buong puso ang maging isang mabuting anak ng Diyos. At walang masamang sumubok. Mas masama kung hindi mo sinubukan. Ang akin lang, ayoko namang tumulad sa mga matatanda na kung kaylan tumanda na at konti na lang ang panahon, dun nila malalaman at bibigyan ng pagpapahalaga ang paniniwala o faith nila.

Hindi ko sila kinaiinisan (ang mga negative sa taas) dahil alam ko maiintindihan din nila. I can't point a finger to anyone because I know it's pointing at me, too. Minsan isa rin ako sa mga yan. Halimbawa sa the couples, pero isang beses lang iyon at hindi sinasadya. At pinangako kong hindi na ulit ako magsasama ng boyfriend sa simbaha unless sigurado akong "siya na" at we both value our faith (at nakining kami non, no PDA's promise. hehe.)Pero alam niyo ang pinakakinaiinisan ko sa mga ito? Sila ang mga Sleepers, Brats, Fans ni Father, Da boys at Couples o kahit sinong alam nila sa puso nila na hindi nila napakinggan ang homily at hindi sila nag-coconfess (in their minds) sincerely pero nagtetake pa rin ng holy communion. I mean! Grrr. Yung makikita mong nasa labas lang ng simbahan nakikipagdaldalan, maya-maya pag communion na papasok?! Kapal. I mean, please guys DON'T. It's always better not to have a communion than take it but not wholeheartedly. It's a sacred, sacred thing. At isa pa, ang mga taong pagkalabas ng simbahan, hindi ginagawa ang mga natutunan. Imbis nanlalait lang sila ng ibang hindi nagsisimba pero ang totoo, minsan mas masahol pa sila.

Okay. I have to end this. Naparating ko na ang gusto kong iparating. I just have to end this before you think that I'm a self-righteous, judgemental person. Hehe. I'm not, okay? So kayo, me additions pa ba kayo sa mga categories? =)



You Might Also Like

1 comments

  1. i totally agree!!! hehe, hmmm..hindi ko ma-classify ang sarili ko kasi parang ako rin ung tipo na nagmamasid sa kanila, parang ikaw! haha...thanks for visiting my blog too!

    ReplyDelete